|
|
Hindi ko nais na ikaw ay gambalain,
kung pawang mensahe ko man sa iyo ay nakakarating
Nais ko lamang na sa iyo ay sabihin
Tapat akong humahanga sa taglay mong lambing.
Hindi ko malaman kung saan kita nakita
Marahil sa panaginip, marahil sa alaala
Ewan kung bakit sa tuwing makikita kita
Napupuno ng galak ang puso ko sa tuwina
Ewan marahil di naman talaga kita maabot
Pagkat ang layo layo mo at laging nakasimangot
Ngunit sa puso kong lagi ng nababagot
Sapat ng makita ka at ang taglay mong kilabot.
Sa isip ko ay pilit kang kinakausap
Di ko malaman kung iyong natatanggap
Ewan pero marahil hanggang ganito na lang
Ang paghanga koy dito na lamang ang hangganan
Tula yaring sinulat para sa kaluluwa
Na sanay kahit papaano ay mapangiti ka
Naway pagtagaltagal di kana tila ulila
Mapalitan ng ngiti mga pusong puno ng pangamba.
|
1
Tags
You must be logged in to add tags.
|
Writer Profile
TOPH
Since 2003 I've been an active contributor of Panorama. I am grateful for this online magazine for allowing individuals to be able to share their ideas and expression to other youth across the globe. Exchanges of ideas and aspirations leads to empowerment and spark of inspiration.
Panorama Rocks!
|
Comments
You must be a TakingITGlobal member to post a comment. Sign up for free or login.
|
|